Sitel Airsoft Group
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.


Baguio SITEL airsoft group
 
HomePortalLatest imagesSearchRegisterLog in
ALL OPERATIONS DEACTIVATED! FOR AIRSOFT GAMES OF SITEL BAGUIO PLS CONTACT JAMES SISON AND DERRICK FLORES OF SITE 1, thank you
THANK YOU FOR VISITING SASG WEBSITE, TO FULLY ACCESS OUR DATABASE FEEL FREE TO REGISTER!

 

 IF YOU ARE SO INLOVE PERO TORPE

Go down 
AuthorMessage
Chiro
SASG OPERATORS
SASG OPERATORS
Chiro


Posts : 98
XP points : 5867
Reputation : 0
Join date : 2008-11-03
Age : 40

pipboy
FALLOUT RPG: 0

IF YOU ARE SO INLOVE PERO TORPE Empty
PostSubject: IF YOU ARE SO INLOVE PERO TORPE   IF YOU ARE SO INLOVE PERO TORPE Icon_minitimeWed May 20, 2009 9:45 pm

Dear Mr. Love...


Matagal ko na pong nililigawan itong ramp model na stage actress
na nakilala ko recently sa isang party. Nasisiraan na ako ng bait. Pag
nakilala mo siya, tiyak matutunaw ang utak mo sa kakaisip sa kanya.
Hingi lang po ako ng advice. Paano ko po siya mapapaibig?
Bibigyan ko ba siya ng tula ? Haharanahin ko ba siya? Roses? Kalachuchi?
Chocnut at sampaguita? In lab na po ako. Ano po ang gagawin ko? Is she
the one?

Lubos na gumagalang,


Bartolome


(ANG REPLY)



Dear Bartolome,

Hindi ka talaga sasagutin niyang nililigawan mo. Napaka-old
school kasi ng mga tactics mo. Wala nang gumagawa ng
ganyan. Sa panahon ngayon, lahat ng bagay, nagtaas na. Nagtaas na ang
gasolina, nagtaas na ang presyo ng bigas at mga bilihin, nagtaas na ang
pamasahe, at lalong nagtaas na rin ng standards ang mga babae. Hindi
na uubra yang siopao at kalachuci mo. Lalo na yung huli mong binigay,
hopia at santan. Ano ba pare? Ano'ng era ka ba pinanganak? Pero don't
worry. It's not too late. May pag-asa ka pa. Hindi pa naman siya kinakasal
at di pa niya sinasagot yung crush niya na basketball player. Kahit lamang siya
ng sampung paligo sa'yo, daanin mo sa utak at creativity. Dahil aminin na
natin, iyon na lang talaga ang pag-asa mo. Heto, bibigyan kita ng mga simple,
tried and tested na mga regalo para di siya mapurga sa hopia at siomai. Sundin
mo 'to, tiyak na lalaglag ang bagang niya sa'yo.

Mga medyo more than your usual regalong panligaw:

1. Bili ka ng century tuna. Ilagay mo sa isang napakalaking box-yung sinlaki ng
TV o kaya box ng desktop PC mo. Tapos balutan mo ng magarang
pambalot. Kuntsabahin mo na yung teacher niya sa Calculus. Sa gitna ng klase,
bigla kang kumatok sa classroom. Pero dapat, incognito ka.
Magsuot ka ng LBC jacket, magshades, at magsuot ng surgical mask. Pagpasok mo
sa classroom, iabot mo yung box sa teacher, at papirmahin mo ng
acknowledgement receipt. Tapos pabuksan mo in front of everyone.
Tignan mong mabuti ang reaction sa mukha niya. Later during the day, pag
tinanong niya kung bakit Century Tuna ang binigay mo, iikot mo yung lata at
ituro mo yung sign na "Omega 8." Pag tinanong niya kung ano yung
Omega 8, sabihin mo: "because you're good for my heart."

2. Mangolekta ka ng isang dosenang hanger na libre mong nakukuha tuwing
nagpapa-dry clean ka. Tapos, sa bawat hanger, isulat mo: "I miss hanging
out with you."

3. Instead of roses, kuha ka ng tissue paper sa banyo ng school mo. Gawin mong
tissue paper roses. Gawa ka ng isang dosena. Pag-abot mo, sabihin mo,
"Ganito kalinis ang pag-ibig ko sa'yo."

4. Bili ka ng tetra pack ng mantikang Minola. Tapos bilugan mo yung "with
Omega 8." Hindi na siya magtatanong kung bakit.

5. Bigyan mo ng ice cream cone. Dapat cone lang at walang ice cream. Pag
hinanap niya yung ice cream, sabihin mo, "natunaw na kakatitig
sa'yo."

6. Bili ka ng sandosenang box ng crayola. Kolektahin mo lahat ng black. Lagay
mo sa isang box ng crayola. Sa likod, isulat mo: "Walang kulay ang buhay
kung wala ka."

7. Bigyan mo siya ng mumurahing bumbilya. Alam mo na siguro by this time kung
ano ang isasagot pag tinanong niya kung bakit. Para sa mga hindi
maka-"gets", kapag tinanong ka, ang sagot mo ay: "sapagkat, ikaw
lamang ang tanging ilaw at liwanag sa buhay ko", o kaya naman ay, "you
light up my life"...

8. I-text mo siya ng: "Hindi tayo tao, hindi tayo hayop, hindi tayo
halaman. Bagay tayo. Bagay!"

9. Bigyan mo siya ng calling card ng MMDA. Sa likod, isulat mo "para pag
nagkabanggaan ang puso natin."

10. Padalhan mo ng Happy Meal pero huwag mong ibibigay yung libreng laruan.
Paghinanap niya, sabihin mo: "Ako yung freebie, at ikaw yung meal
na nagpapa-happy sa'kin."

11. Sunugin ang kanyang bahay at padalhan ng hallmark card: "aanhin mo pa
ang bahay mo, kung matagal ka nang nakatira sa puso ko"

12. Pagatapos sunugin ang kanyang bahay, padalhan siya ng isang box ng posporo,
Guitar brand. unahan ang kanyang galit at sabihin, "ayan ang
posporo na ginamit ko sa pagsunog ng iyong bahay, match na tayo"

13. Sa kalagitnaan ng isang malupit na bagyo, pasalubungan sya ng
"salbabida", wag payong, o mainit na mami. Pag nagtanong bakit? ang
isagot mo ay " ayaw kong malunod ka sa pag mamahal ko."

14. Pag pumayag na siyang makipagdate, dalhin mo siya sa canteen at huwag
bibitawan ang kamay. Pag tinanong niya kung bakit, ituro mo yun sign na
"don't leave your valuables unattended"



Handang tumulong lagi,


Mr. Love
Back to top Go down
http://enao.darkbb.com/portal.htm
 
IF YOU ARE SO INLOVE PERO TORPE
Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Sitel Airsoft Group :: Non-Airsoft Discussion :: Off Topic-
Jump to: